Martes, Oktubre 15, 2013



    
Kalakalang Galleon

       


         Ito ang Kalakalang namagitan sa Maynila at Acapulco, Mexico sa pamamagitan ng barkong tinawag na Galleon. Bawat taon ang dumarating ng Maynila na nagpapadala ng mga kalakal sa silangan.  Ito ay tumatagal nang mahigit kumulang 200 na araw ang paglalakbay ng Galleon sa buong pag-ikot nito. 


        Ang Kalakalang Galleon ay maaaring tawagin din na Manila-Acapulco. Pero ayon sa ilang historyador, higit itong dapat tawagin na Kalakalang Tsina-Acapulco dahil walang halos na kalakal ang Pilipinas na isinasakay ang barkong Galleon. Kraniwang kalakal ng Tsina na dinadala ng mangangalakal na Tsino ang lulan ng Galleon mula sa Pilipinas.


           Ang Kalakalang Galleon ang naging tanging tagapag-ugnay ng Pilipinas. Ito ang nagdadala ng mga kautusan ng hari at pamahalaan sa españa sa Pilipinas. At dahil sa Kalakalang Galleon, nagkaroon ng pagpapalitan ng mga halaman at hayop sa pagitan ng silangan at kanluran. Kabilang sa mga halaman at hayop na pinaniniwalaang nadala sa bansa mula sa America sa pamamagitan ng Galleon ang papaya, pinya, avocado, bayabas, sayote, tsokolate, kabayo at baka. Samantala, kasama din naman ang mangga, sampalok, bigas, paggawa ng tuba, at kalabaw ang naggaling sa Pilipinas na nakarating sa Amerika at Europa. Maging ang moro-moro, moriones, at ang mga emahen ng itim na nazareno ng Quiapo at patron ng Antipolo na Ina ng kapayapaan at maluwalhating paglalakbay ay sinasabing nakarating sa Pilipinas sakay ng Galleon. 

        Hamak na mas matimbang ang huli. Napabayaan ang agrikultura at iba pang aspekto ng ekonomiya. Tanging ang kalakalang Galleon ang pinakaabalahan ng mga español hanggang sa pagsisimula ng ika-19 dantaon. Sa labis na pagtutok ng pamahalaan sa Kalakalang Galleon, nagresulta ito sa pagkontrol ng mga Tsino sa ekonomiya at mga prayle sa pamahalaan sa labas ng Intramuros